MAHIGIT P307M ang nakumpiskang imported na asukal sa tatlong magkahiwalay na bodega sa Bulacan nitong Biyernes, Hunyo 6, 2025.
Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ilegal itong itinatago sa mga bodega.
Naghahanda na ng kaso para sa paglabag sa Republic Act No. 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 laban sa mga may-ari ng mga sangkot.
Ang naturang operasyon ng CIDG ay bahagi ng kampanya ng gobyerno laban sa smuggling at iba pang ilegal na gawain na may kinalaman sa agricultural products.