ISINAGAWA na ang groundbreaking para sa magiging 11.5 kilometrong farm-to-market road sa Zamboanga del Sur nitong Hunyo 11, 2025.
Kasabay ng farm-to-market road ay mayroon ding 60-metrong tulay na magdudugtong sa mga bayan ng Guipos at Dinas sa naturang lalawigan.
Kung matatapos na ay mahigit 21K kabahayan ang direktang makikinabang sa mga proyekto.
Ito’y dahil mas mapapadali na ang pagbiyahe ng kanilang mga pangunahing produktong agrikultural gaya ng niyog, mais, at palay.
Tinatayang nasa P314M ang inilaan para sa dalawang proyekto.