TUMANGGAP ang Philippine National Police (PNP) ng 4.9 milyong pisong halaga ng kagamitan mula sa PNP Foundation Inc.
Nilagdaan nina PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. PNP Foundation chairman Panfilo “Ping” Lacson, PNP Foundation vice chairperson Teresita Ang-See, at PNP director for logistics Police Major General Ronaldo Olay ang deed of donation sa Camp Crame.
Binubuo ang mga donasyon ng mga computer, printer, projector, PA system, at mga mountain bike.
Ilalaan ito para sa Police Regional Office (PRO) Cordillera 1, 2, 4A, 5, 11, 12, PNP Health Service at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Ayon kay Lacson, mula nang maitatag ang PNP Foundation ay nakapagbigay na ito ng 193 milyong pisong halaga ng donasyon sa 348 na istasyon ng pulisya.
Gayundin ang mahigit 9 milyong pisong cash assistance sa pamilya ng mga miyembro ng PNP Special Action Force (SAF) na nasawi sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015.