P48-M para sa pagkumpleto ng Cavite Drug Rehab Center, inaprubahan ng DBM

P48-M para sa pagkumpleto ng Cavite Drug Rehab Center, inaprubahan ng DBM

INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng mahigit P48.8-M sa Department of Health (DOH).

Ito ang inihayag ni DBM Secretary Amenah Pangandaman, kung saan gagamitin aniya ito para sa pagkumpleto ng implementasyon ng karagdagang construction works ng Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (DATRC) sa Trece Martires, Cavite.

Saad pa ni Pangandaman, kabilang sa mga prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ay hindi lamang ganap na ipatutupad ang batas pagdating sa paggamit at pag-abuso sa ilegal na droga, kundi maging sa rehabilitasyon ng mga biktima o gumagamit ng droga.

Naka-charge ang pondo sa Grant Proceeds mula sa Japan International Cooperation Agency–Program for Consolidated Rehabilitation of Illegal Drug Users

(JICA–CARE), Automatic Appropriations sa ilalim ng FY 2023 ng General Appropriations Act (GAA).

Titiyakin naman ng gobyerno na magpapatuloy ang pagpananatili ng mga kasalukuyang pasilidad ng bansa sa drug abuse treatment at rehabilitation sa pamamagitan ng paglalaan ng kinakailangang badyet para sa naturang layunin.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter