OPISYAL nang ipinasa ng Department of Budget and Management (DBM) ang 2024 budget Bill sa Kamara.
Pinangunahan nina Budget Secretary Amenah Pangandaman at Speaker Martin Romualdez ang official turn-over ceremony sa P5.768-T proposed budget para sa Fiscal Year 2024.
Katumbas ito ng 21.8% ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.
9.5% din itong mas mataas kumpara sa national budget ngayong taon sa P5.268-T.
Ayon kay Sec. Pangandaman, food security at infrastructure projects ang pagtutuunan na mga programa sa ilalim ng susunod na pambansang pondo.
Pagtutuunan din ng pansin ang renewable energy projects para maging abot-kaya ang presyo ng kuryente sa bansa.
Number 1 naman sa priority ng pamahalaan ang education sector na may P924.7-B na budget o 16.0% na share sa buong pambansang budget.
“Ang 2024 national budget ay naka suporta sa 8-point economic agenda ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.,” ani Pangandaman.