P500-B na ayuda budget, nakalaan para sa 2024

P500-B na ayuda budget, nakalaan para sa 2024

NAGLAAN ang pamahalaan ng P500-B na ayuda para sa mahihirap na pamilya sa susunod na taon.

Sa ilalim ng 2024 proposed national budget, nasa 12 milyon na low-income families o nasa 48 milyon katao ang paglalaanan ng nasabing pondo.

Kabilang sa paglalagakan ay ang AKAP o ang Ayuda sa Kapos ang Kita program na may P60-B na ibibigay ng cash sa mga pamilyang hindi lalagpas sa P23,000 ang net income kada buwan.

P5,000 na one-time cash assistance ang tatanggapin ng target beneficiaries ng AKAP program.

Nasa P23-B naman ang budget para sa AICS (Assistance to Individuals in Crisis Situation) at P30-B ang budget sa TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantage/Displaced Workers) ng DOLE sa susunod na taon.

“We are hoping that in some way, we are able to support people who badly need government help to get them through hard times,” ani Speaker Martin Romualdez.

Nasa P5.768-T naman ang proposed budget ng national government sa susunod na taon na paghahatian ng iba’t ibang ahensiya at programa ng pamahalaan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter