APRUBADO na ng Department of Budget and Management (DBM) ang Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng P55.65-M para sa konstruksiyon ng isang three-story building sa Mindanao State University (MSU)-Marawi campus.
Ang tinutukoy na magiging student center building ay magsisilbing venue para sa implementasyon ng iba’t ibang student-related programs at activities ng university sakaling maitayo na.
Ang implementasyon naman ng proyekto ay kukunin sa built-in appropriations ng university sa ilalim ng Fiscal Year 2023 General Appropriations Act.
Maliban sa P55.65-M para sa konstruksiyon ng three-story building, may inilaan din ang DBM na P154.192-M sa ilalim ng 2024 national budget para sa libreng tuition ng college programs ng Marawi campus.
Kung matatandaan, binomba ang MSU-Marawi noong Disyembre 2023 na naging sanhi ng pagkasawi ng apat katao at pagkasugat ng dose-dosenang iba pa.