Russia, pinabibilis ang citizenship ng mga dayuhang sundalong kasama sa 22 buwang digmaan vs Ukraine

Russia, pinabibilis ang citizenship ng mga dayuhang sundalong kasama sa 22 buwang digmaan vs Ukraine

NILAGDAAN na ni Russian President Vladimir Putin noong Enero 4, 2024 ang isang kautusan na naglalayong mas mapabilis ang proseso ng citizenship ng mga dayuhang nagpa-enlist o naging kasapi sa Russian Army sa gitna ng mahigit isang taong digmaan nito kontra Ukraine.

Ang hakbang ay para mai-replenish o mag-reload ang tropang militar sa Kyiv.

Una nang pinahintulutan ng Russia ang mabilisang proseso ng citizenship ng mga lumagda bilang kasapi ng Russian Army noong Setyembre 2022 kasunod ang anunsiyong partial mobilization ng nasa 300-K reservists’ para sa Ukraine.

Kasama rin sa kautusan noong 2022 ang mga immigrant na lumagda ng kontrata sa Russian Army sa loob ng isang taon o kaya’t naging parte ng Moscow-Kyiv war ng anim na buwan.

Sa ilalim ng bagong kautusan ni Putin noong Enero 4, 2024, aabutin na lang ng isang buwan para desisyunan ang mga citizenship application kumpara sa tatlong buwan batay sa unang kautusan nito noong 2022.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble