NAGPALABAS ang Department of Budget and Management (DBM) ng mahigit P7.68-B para sa targeted cash transfer (TCT) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Orders (SARO) para pondohan ang implementasyon ng TCT program ng DSWD.
Tinatayang nasa mahigit 7-M mga benepisyaryo ang inaasahang makikinabang mula sa TCT.
Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, tiniyak ng ahensiya na hindi nito pababayaan ang mamamayang nangangailangan, alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Sinigurado ng DBM na tutulong lalo na sa mga vulnerable population na mabibigyan ng kalinga at suporta.
Magugunitang taong 2022, nakapagpalabas na ang DBM ng kabuuang P19.43-B sa DSWD katumbas ng 4 na buwan mula sa 6 na buwang pondo na kailangan para sa TCT.
Mababatid na sasakop sa natitirang 2 buwan ng TCT program ang naturang P7.68-B budget.
Sa naturang programa, mabibigyan ng P500 kada buwan ang mga benepisyaryo kasama rito ang administrative cost at bank charges.