PACQ, nagbigay ng mensahe sa JMC Kings matapos sumabak sa national league

PACQ, nagbigay ng mensahe sa JMC Kings matapos sumabak sa national league

MATAPOS magwagi sa nakaraang Philippine Collegiate Champions League (PCCL) na ginanap sa Mindanao matatandaan na nagtungo ang koponan ng Jose Maria College Foundation Inc. (JMCFI) basketball team na JMC Kings sa Maynila upang ipagpatuloy ang kanilang laban sa national level matapos nilang matalo ang iba’t ibang unibersidad at kolehiyo sa Visayas at Mindanao.

At sa naganap na kauna-unahang laban nila sa national team partikular na sa Far East University (FEU) Tamaraw, ipinakita ng JMC Kings ang kanilang angking galing at bagaman hindi man nila naiuwi ang tropeo, inihayag ng head coach ng koponan na malaki ang kanilang natutunan sa karanasang kanilang natamo sa pagsabak sa national na kompetisyon at makatutulong ito sa mga susunod pa nilang laban.

JMC Kings, nagpasalamat kay Pastor Apollo C. Quiboloy

Nagpahayag din ng labis na pasasalamat ang grupo sa suporta na ipinagkaloob sa kanila ng JMCFI at maging ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

At matapos ang laban bago bumalik ng Davao ay nagkaroon din ng pagkakataon ang grupo na bisitahin ang Sonshine Media Network International (SMNI) studio sa Makati.

At sa kanilang pagbabalik sa Davao City, hindi naman pinalampas ng JMC Kings na personal na magpasalamat at mag-courtesy call kay Pastor Apollo sa Kingdom of Jesus Christ (KJC) Compound.

Ayon kay Pastor Apollo, patuloy ang suporta na ipagkakaloob nito sa JMC Kings at lalo pang palalakasin ang suporta ng JMCFI sa mga kabataang nais sumabak sa sports.

Follow SMNI NEWS in Twitter