ILANG taon na ang nakalipas nang maitatag ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang isang institusyon na di lamang nagbibigay ng de-kalidad na edukasyon kundi may misyon na maghubog ng mga talento ng mga mag-aaral nito upang maging matagumpay na mamamayan sa ano mang larangan.
At ngayong taon ay ginanap naman ang “The JMarian Sports Excellence Awards” kung saan ginawaran ng parangal ang mga natatanging mag-aaral at atletang sumabak sa iba’t ibang larangan ng kompetisyon mula sa institution sa ginanap na seremonya sa mga piling mag-aaral ang mga sumusunod:
- JMCFI Integrated Basic Education Excellence Award
- JMCFI College of Medicine Excellence Award
- At JMCFI Sports Excellence Awards na naggawad ng parangal sa iba’t ibang larangan ng sports matapos ang ilang kompetisyon di lamang sa Davao kundi sa iba’t ibang bahagi ng bansa kabilang na ang chess, table tennis, volleyball at basketball.
Ang mga regalong ito ay patunay lamang sa walang patid na suportang hatid ni Pastor Apollo sa scholars at manlalaro ng JMCFI.
Naging mas makabuluhan naman ang naturang programa dahil sa mensaheng mula sa JMC Founding President na si Pastor Apollo C. Quiboloy.
Pastor Apollo namahagi ng lampas kalahating milyong halaga ng sapatos para sa mga estudyanteng manlalaro ng JMCFI
Maliban pa sa mga recognitions at medals na natanggap ng basketball team at mga coach ay pinagkalooban din sila ng limited edition na sapatos na nagkakahalaga ng lampas kalahating milyong piso na regalo mula sa founding president ng JMCFI na si Pastor Apollo C. Quiboloy sa mga basketball varsity player ng institusyon.
Ito ay matapos mag-uwi ng maraming parangal, at championship title ang JMC Kings sa nagdaang mga liga.
Dahil limited edition at mahirap hanapin ang mga ito, gaya ng LeBron 20 at LeBron Witness VII ay binili pa ang mga nasabing sapatos mula sa ibang bansa gaya ng Canada, Dubai at Amerika.
Ang mga naturang regalo ay magdudulot ng mas malalim na dahilan at inspirasyon sa mga manlalaro maging ang kanilang mga coach upang mas pagbutihin pa ng mga manlalaro ang kanilang mga laban sa hinaharap.
Labis naman ang pasasalamat ng mga mag-aaral na karamihan ay nasa ilalim ng scholarship ng Jose Maria College Foundation Inc.
Sa pagkilala ng kanilang natanggap, magiging daan at inspirasyon anila ito sa kanilang daang tinatahak.