Sen. Cynthia Villar, nanawagan na gawing kampeon ang sustainable practices sa pamamagitan ng circular economy

Sen. Cynthia Villar, nanawagan na gawing kampeon ang sustainable practices sa pamamagitan ng circular economy

HINIMOK ni Sen. Cynthia Villar, chairperson ng Senate Committee on Environment, ang publiko na lubusang baguhin ang waste management sa pamamagitan ng circular economy.

“Instead of the traditional ‘take, make, dispose’ model, a circular economy keeps resources in use for as long as possible through reuse, remanufacturing, and recycling,” ani Villar sa pagdiriwang ng Philippine Environment Month.

“The theme, “No to Waste: Advancing Circular Economy to Beat Plastic Pollution” highlights the path we must pursue to safeguard our environment,” dagdag pa niya.

Bilang bansang pinagpala ng biodiversity at natural resources, iginiit ni Villar na mahalagang gawing kampeon ang sustainable practices.

Inihayag ng senador, kilalang environmentalist, na nagagalak siya dahil ipinunto ang circular sa summit na inorganisa ng DENR-Environmental Management Bureau –NCR sa pangunguna ni Director Atty. Mike Matias.

Bago pa man naging popular ang circular economy, ipinagmalaki ni Villar na isinusulong na niya ito.

“Its principles were already at the heart of my waste management practices. I have been diligently advocating and employing it for years’’ sabi ng senador.

Kasama ang Villar SIPAG, itinatag niya ang barangay-based livelihood enterprises.

Ang mga ito ang modelo ng wastong waste management at pinakamagaling na halimbawa para gawing kapaki-pakinabang ang mga basura na naaayon sa circular economy.

Mula sa basura ang raw materials na gamit nila sa livelihood projects.

Ang mga ito ay ang water hyacinths para sa waterlily handicraft-weaving enterprise at handmade paper factory; coconut husks waste sa coconut-weaving enterprise at charcoal-making factory; kitchen at garden wastes para sa organic fertilizer composting facility; at plastic wastes para sa waste plastic recycling factory sa school chairs.

Ginagaya ang livelihood projects na ito ng ibang samahan.

Sa kasalukuyan, meron na silang mahigit 3,000 livelihood projects sa buong bansa.

“These projects go beyond recycling; they’re transforming how we view waste and showcasing the circular economy’s potential for sustainability by maximizing material value and minimizing waste,” dagdag ni Villar.

Upang higit na labanan ang plastic pollution, ang Villar SIPAG ay may tatlong factories sa recycling ng plastic waste at gawin itong school chairs.

“This initiative is our way of raising awareness about the importance of not discarding plastic carelessly, as it can be recycled into something valuable and beneficial,” aniya.

Follow SMNI NEWS in Twitter