ITUTULAK ni presidential candidate at Senator Manny Pacquiao ang paggawa ng isang kagawaran para sa empowerment ng mga kabataang Pinoy kung papalaring manalo sa darating na May 9 general elections.
Ito ay upang turuan ang mga kabataang Pinoy ng magandang ugali at upang ihanda ang mga ito sa magandang kinabukasan.
Dagdag pa ni Pacquiao, mahalaga ito dahil ang kabataan ang pagasa ng ating bayan.
Kabilang sa ipapanukala niyang kagawaran ay ang paghikayat sa mga kabataan na lumahok sa sports.
Gusto rin ni Pacquiao na pagtuunan ang pagbibigay ng libreng edukasyon lalo na sa kolehiyo at maging graduate studies gaya ng pagiging abogado o doktor.
Ginawang halimbawa ni Pacquiao ang Amerika kung saan puedeng mag-aral ng abogasya at medisina ang mga college graduate student pero dapat mag-silbi muna sa gobyerno ng 2 hanggang 3 taon.