Pacquiao, nangako na isusulong ang pederalismo sa pakikipagpulong kay Nur Misuari at MILF members

Pacquiao, nangako na isusulong ang pederalismo sa pakikipagpulong kay Nur Misuari at MILF members

ISUSULONG ni presidential aspirant at Senator Manny Pacquiao ang pederalismo kung mananalo ito sa eleksyon sa ika-9 ng Mayo.

Ito ang ipinangako ni Pacquiao sa harap ni Moro National Liberation Front (MNLF) leader Nur Misuari at sa mga representante ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Umaasa rin si Pacquiao na magkaroon na ng isang adhikain ang MILF para sa kaunlaran ng Mindanao.

Sinabi rin ni Pacquiao na dapat hindi masayang ang peace negotiation ng bansa sa MILF at MNLF at dapat patuloy na ipatupad upang matiyak ang kapayapaan sa rehiyon.

Ani Pacquiao, dapat maramdaman ng mga tao ang epekto ng negosasyon sa pamamagitan nang pagpapa-unlad ng kanilang buhay.

Aniya, lagi na lang kasing pag-uusap ang nangyayari pero walang aksyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter