Pacquiao, tiwalang inindorso siya ni Pangulong Duterte

Pacquiao, tiwalang inindorso siya ni Pangulong Duterte

MALAKI ang paniniwala ni Senator Manny Pacquiao na inindorso siya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kasunod ng pag-giit ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na neutral siya ngayong eleksyon.

Ayon kay Pacquiao, ang desisyon ni Pangulong Duterte na hindi mag-endorso lalo na sa kandidatura ni Bongbong Marcos ay malaking kalamangan sa kanya lalo na at siya lamang ang taga Mindanao na tumatakbo sa pagkapangulo.

Dahil dito, tiwala siya na indirect ang pag-endorso sa kanya ng Pangulo.

Aniya pa, ang pagiging neutral ay pagpapakita lamang na ayaw ng Pangulo kay Marcos.

Sinabi pa ni Pacquiao na ang pananahimik at hindi pag-endorso ni Pangulong Duterte ng ibang kandidato ay bilang paggalang lamang nito kay Mayor Sara Duterte na running mate ni Marcos.

Follow SMNI NEWS in Twitter