Pag-demonized kay Pastor Apollo Quiboloy, paglihis ng Marcos admin sa totoong krisis ng bansa—FPRRD

Pag-demonized kay Pastor Apollo Quiboloy, paglihis ng Marcos admin sa totoong krisis ng bansa—FPRRD

MALINAW na paglihis mula sa totoong krisis ng korapsiyon, pang-aabuso ng kapangyarihan at incompetence ang pag-demonized kung tawagin ng Marcos administration kay Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ang naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nangyaring paglusob ng elite force ng Philippine National Police sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) properties.

Aniya, hindi maaaring palalampasin lang ang pangyayaring ito lalo na’t maliban sa over-publicized na arrest warrants, walang naipresenta na search warrant ang mga nagsagawa ng raid.

Ibig sabihin, dapat mapanagot ang mga ito sa mga nalabag nila na batas.

Sa ngayon ay ipinag-utos na ni FPRRD na ihanda ang mga affidavit ng lahat ng miyembro ng the Kingdom of Jesus Christ na naagrabyado at na-trauma dahil sa insidente.

Maging ang inventory rin ng church properties na nasira dahil dito.

Noong Hunyo 10, 2024 nang sabay-sabay hinalughog ng PNP-Special Action Force (SAF) at ng Criminal Investigation and Detection Group CIDG ang KOJC compound sa Buhangin; Glory Mountain at Prayer Mountain sa Tamayong; QSands Baptismal Resort sa Samal Island; at sa KOJC Compound rin sa Kitbog, Sarangani Province.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble