Pag-upgrade sa mga pasilidad, kakayahan at kagamitan ng PCG, ipinangako ni PBBM

Pag-upgrade sa mga pasilidad, kakayahan at kagamitan ng PCG, ipinangako ni PBBM

IPINANGAKO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang buong suporta ng kanyang administrasyon sa Philippine Coast Guard (PCG), lalo na sa misyong protektahan at bantayan ang mga karagatan na sakop ng Pilipinas at labanan ang mga krimen na mangyayari rito.

Tiniyak ni Pangulong marcos na patuloy ang pagsusumikap ng kanyang administrasyon sa pag-upgrade sa mga kakayahan, pasilidad, at kagamitan ng PCG.

Samantala tiwala naman si PBBM na alam ng lahat ng coast guard kung paano mapagtagumpayan ang kanilang mga misyon.

Ginawa ni Pangulong Marcos Jr. ang naturang pahayag kasabay ng panunumpa sa Malakanyang ng 15 opisyal ng PCG na na-promote dahil sa kanilang galing at kwalipikasyon na punan ang ilang mahahalagang posisyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter