Pag-walk out ng mga heneral sa isang command conference, delikado kung totoo─Ret. PH Army

Pag-walk out ng mga heneral sa isang command conference, delikado kung totoo─Ret. PH Army

MARIING pinabulaanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kumakalat na balitang pag-walk out ng mga heneral sa isang command conference kasama ang mga top official ng bansa sa general headquarters ng Camp Aguinaldo nitong Hulyo 4, 2024.

Ayon sa tagapagsalita ng AFP, fake news ang kumakalat na balita.

Subalit para sa retired member ng Philippine Army na si Col. Segundo Metran, delikado kung sakaling totoo nga ang pag-walk out ng mga heneral.

Sakali aniya na magkaroon nga ng pagkakabahagi sa kasundaluhan, hindi malayong magkaroon ng kudeta batay na rin sa mga nangyari sa nakalipas na mga panahon tulad ng EDSA People Power.

Sa huli, bilang isang dating men in uniform, umaasa si Metran na magkakaroon ng isang linya o pagkakaisa ang kasundaluhan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble