Pagbaba ng index crime sa bansa, kinuwestiyon ni Atty. Panelo

Pagbaba ng index crime sa bansa, kinuwestiyon ni Atty. Panelo

HINDI nasasalamin sa mga nangyayaring krimen sa bansa ang iniulat na pagbaba ng crime index sa Pilipinas.

Ayon kay Atty. Salvador Panelo, maraming insidente ng patayan at mga high profile crimes pa ang nangyayari sa bansa.

Base sa ulat ng Philippine National Police (PNP), bumaba sa 16% ang index crime sa bansa.

Sinabi naman ni Interior Sec. Benhur Abalos, Jr. na resulta ito ng dedikasyon ng pulisya para pangalagaan ang kapakanan ng publiko.

Kwestiyunable rin para sa abogado kung maraming naniniwala sa inilabas na bilang ngunit ikinatutuwa pa rin naman aniya niya kung ito ay totoo.

Follow SMNI NEWS in Twitter