INIHAYAG noong Miyerkules ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagbaba ng unemployment rate sa bansa o bilang ng mga walang trabaho o negosyo sa 2.24 million.
Para kay Employers’ Confederation of the Philippines (ECOP) at Philippine Exporters’ Confederation Incorporated President Sergio Ortiz Luis Jr., ito ay posibleng dahil sa nagpapatuloy na pagbubukas ng ekonomiya sa Pilipinas kasabay ang pagluluwag ng mga pandemic restriction.
“Unang-una, tuluy-tuloy ‘yung ating pagbubukas ng ekonomiya. Maraming kompanya ang hindi nakasarado, nakabukas na at ‘yung programa natin sa Build, Build, Build siyempre at marami rin tayong programa roon sa mga tourism industries, mga hotel, mga resorts, restaurants sa mga nagbubukas. So, maraming na-employed at tuluy-tuloy naman ang trabaho natin doon sa manufacturing at saka construction,” pahayag ni Luis.
Dagdag din ni Luis, nakatutulong din ang pagbibiyahe abroad ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. dahil isa itong atraksyon ng pamumuhunan sa Pilipinas.
Noong nakaraang taon aniya na nagkaroon na ng kasunduan ang ECOP sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno para lumikha ng isang milyong trabaho.
Kabilang sa mga ahensiya ang Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI), National Economic and Development Authority (NEDA), at iba pang sektor.
At nitong taon lamang paglilinaw ng ECOP chief na nakamit nila ang one million jobs sa panahon naman ng Labor Day.
Mahalaga rin ang mga programa na nakatutulong para mabawasan itong tinatawag na job mismatch.
“Well, ‘yun nga ‘yung job creation na ginagawa nung private sectors at saka ng gobyerno ‘yung one million jobs eh ‘yun ang name of the game there is addressing the mismatch eh. Kung ‘yung hinahanap ng industriya ‘yung ating mga employers ‘yun ang ihahanap natin ng ka-match no. So, ‘yun ang importante…Marami ‘yung nasa imprastraktura, agriculture, at ‘yung pagpi-free up noong ibang regulasyon sa mining ay malaking naitutulong niyan sa creation of employment,” ayon kay Luis.
MGA KAUGNAY NA BALITA
Bilang ng walang trabaho sa bansa, bumaba nitong Oktubre 2022 –PSA
Pastor Apollo C. Quiboloy, may payo sa administrasyon tungkol sa unemployment
Naitalang mataas na employment rate, tagumpay na dapat pagyamanin –Malakanyang