HINDI pa nakakalusot sa Senado ang panukalang pagkakaroon ng pagbabago sa economic provisions sa 1987 Constitution.
Ayon ito kay Sen. Sonny Angara kahit pa pasado na ang bersiyon ng Kamara dito.
Sa Senado aniya, marami ang hindi pabor sa pagkakaroon ng economic revisions.
Sa kabila nito, sinabi ni Angara na siyang chairman ng senate committee na tumatalakay hinggil sa Charter Change, susubukan pa rin nilang maiakyat ito sa plenaryo bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Nilinaw nito na hindi lang din ang Charter Change ang kanilang priority kung kaya’t hindi nila gaano itong minamadali.