SUSPENDIDO simula ngayong araw, Hulyo 15 ang pagbabakuna sa Festival Mall vaccination site sa Muntinlupa City.
Ayon sa Muntinlupa City Government, ito ay habang inaayos ang kanilang storage facility kung saan nagkaroon ng pagbabago sa temperatura na maaring makaapekto sa kalidad ng bakuna.
Upang matiyak ang kapakanan at kaligtasan ng mga mababakunahan, nagdesisyon ang lokal na pamahalaan na huwag nang gamiting ang mga bakuna dito.
Sinabi ng city government na nakikipag-ugnayan na ang pamunuan ng kanilang vaccination team sa national government para sa nararapat na aksyon.
Tiniyak din ng Muntinlupa LGU na mabibigyan ang mga apektado ng insidenteng ito lalo na ang mga naka-iskedyul ng second dose.