Pagbagsak ng teroristang CPP-NPA, bahagi ng panawagan sa Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally

Pagbagsak ng teroristang CPP-NPA, bahagi ng panawagan sa Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally

MALIBAN sa mga tiwali, kurap at abusadong politiko, bahagi rin ng sigaw ng mga Pilipinong nakikiisa sa Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally ang pagbagsak ng teroristang grupong CPP-NPA.

Sa pamamagitan ng sigaw at kanta idinaan ng mga Pilipinong nakiisa sa nasabing prayer rally ang kanilang pagtakwil sa teroristang grupong CPP-NPA na anila’y salot ng lipunan.

Muli anila kasing nabuhay ang puwersa ng rebeldeng grupo sa ilalim ng Marcos Admin.

Si Ka Lolit, na dating kadre ng CPP-NPA, isa sa mga unang tumayo at nagsalita sa ika-anim na prayer rally ng KOJC sa Liwasang Bonifacio.

14 na taong gulang aniya nang pumasok siya sa pagka-NPA sa Mindanao Area hanggang sa humantong siya sa edad na 53.

Ang nakapagpabago ng pananaw niya sa buhay ay si Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Aniya, ang kaniyang muling pagsasalita ay para ipaglaban ang mga kabataan sa ilalim ng Marcos Administration.

Sinabi naman ni Ka Peter Mutuc, isa sa mga first generation cadres, na nakikipag-alyansa ngayon ang grupong Akbayan na pinangungunahan ni Risa Hontiveros sa mga makakaliwang nasa Kamara para sirain si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Samantala, isa sa mga pangako ni Marcos noon ay ang pagpapatuloy ng suporta sa NTF-ELCAC upang tuldukan na ang insurhensiya pero para sa dating tagapagsalita ng task force na si Dr. Lorraine Badoy, weak leader si Marcos pagdating sa paglaban sa insurhensiya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble