Pagbasura ng U.S. court sa mga kaso vs. KOJC leader, welcome para kay Pastor ACQ

Pagbasura ng U.S. court sa mga kaso vs. KOJC leader, welcome para kay Pastor ACQ

NAGBUBUNYI hindi lamang ang Kingdom of Jesus Christ (KOJC) kundi maging ang mga netizen kasunod ng pagbasura ng korte sa Amerika sa mga kasong human trafficking, forced labor, at money laundering laban sa KOJC leader na si Marissa Dueñas.

Ayon sa mga netizen, magandang balita ito para sa simbahan at maging kay Pastor Apollo na anila’y walang kasalanan dahil imbento ang mga akusasyong ibinabato sa kaniya.

Maging ang legal counsel ni Pastor Apollo dito sa Pilipinas na si Atty. Israelito Torreon, sinabi na ang pagkaka-dismiss ng mga mabibigat na kaso laban sa KOJC leader ay malaki ang bentahe para sa mga kaso ng kaniyang kliyente sa Amerika.

“The fact that the US government offered to drop the three serious charges against the leader who is personally present in the day to day activity in the US is a good sign for Pastor Quiboloy because Pastor Apollo Quiboloy is based only here in the Philippines. He is no hand really in the day to day activity there. Maam Dueñas is actively involve in the Kingdom in the US,” pahayag ni Atty. Israelito Torreon, Legal Counsel, Pastor Apollo C. Quiboloy.

Welcome development din aniya ito laban sa freeze order na ipinataw sa mga bank accounts ng KOJC.

“Precisely, precisely para sa aking palagay nga walang ground nga ‘yong freeze order. Walang causable link that would justify. Pero nandiyan na iyan eh, I cannot talk as the merits of it and the fact is, this development now would have a barring as so far as our move to have the freeze order lifted,” dagdag ni Torreon.

Ayon sa Department of Justice (DOJ), maaring magamit ng prosecution ang plea deal ni Dueñas sa korte sa Amerika laban kay Pastor Apollo.

Ang legal counsel ni Pastor Apollo, naniniwala na kaya nga nagkaroon ng offer ang US court kay Dueñas ay dahil na rin sa hindi naman malakas ang ebidensiya para sa kasong human trafficking at iba pa.

“Inofferan siya ng estado na ipawalang bisa sa malalaking masyadong mga kaso, tinanggap niya para makalabas siya. ‘Yon po ang nangyari nun. So ang ibig sabihin nun, hindi ka naman oofferan ng estado kung malakas ‘yong ebidensiya. Kung malakas ang ebidensiya, for sure they will pursue the prosecution pero the fact that it was offered to her and for practically reason, she accepted it. Now, makakalabas na siya,” aniya pa.

Binara din ng abogado ang mga negatibong pahayag ni DOJ Spokesperson Atty. Mico Clavano at Risa Hontiveros sa pagtakbo ng butihing Pastor sa pagka-senador.

Ayon kay Clavano, dapat harapin ni Pastor Apollo ang kaniyang kaso at huwag gumawa ng “mockery” sa election system habang sinabi naman ni Hontiveros na dapat mahiya ang Pastor sa ginawa nitong pagtakbo.

“Walang dapat ikahiya si Pastor, citizen siya dito ng ating republika, si Maam Risa naman kahit anong idamit ni Pastor C. Quiboloy ay may komento na masama. Opinyon niya yon, ginagalang natin ang opinyon niya pero sana naman respetuhin niya ang karapatan ni Pastor Apollo C. Quiboloy na tumakbo.”

“Karapatan ng bawat mamamayan na magtakbo kung hindi siya convicted, kung hindi siya disqualified, karapatan naman niya ‘yon. May mga rason po si Pastor Apollo C. Quiboloy na bakit siya magtakbo. Iba-iba pong opinyon ‘yan.”

“Ako nga ginagalang ko nga although, honestly ako hindi ako nag-approve nun, pero sino ako para mag-approve kay Pastor, siya ‘yon eh, kaniyang desisyon ‘yan eh, when he made decision when I came back from Vietnam, respect it and as a matter of fact, I will support him, feel ko lang kasi kung senador, kulang ‘yon kay Pastor, gusto ko kasi sa kaniya tatakbong Presidente,” giit ni Torreon.

Risa Hontiveros, hindi na dapat magpatawag ng pagdinig vs Pastor Apollo Quiboloy—legal counsel

Samantala, balak pa ni Hontiveros na ipagpatuloy ang pagdinig nito laban kay Pastor Apollo kahit pa nasa korte na ang mga ibinibintang na isyu laban sa butihing Pastor.

Pero ayon sa legal counsel,

 “I don’t think the Senate would have proper basis to continue the Senate investigation, knowing that proper investigation already conducted in the past. And so much facts have already been secured that would aid her whatever the laws she may intent to pass.”

(“’Yong motion po natin Atty. Huwag ipa-attend sa Senate hearing si Pastor) Yes po, yes po and that would  be up to the honorable presiding judge to decide on the matter. Kasi nasa korte na e. Kung nasa korte na, criminal cases naman ito, ano pa po ang dapat pag-usapan. ‘Yon lamang po ang aking opinyon,” saad ni Torreon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble