IMINUMUNGKAHI ni Sen. JV Ejercito na ihinto na ang iba’t ibang ayuda programs na binubuo ng pamahalaan.
Ito’y dahil ayon sa senador, nagiging sanhi lang ito ng pagiging dependent at pagiging pulubi ng mga Pilipino.
Panahon na aniya na magkaroon ng exit mechanism lalo pa’t bilyun-bilyong pondo ang inilalaan dito ngunit walang naibabalik sa gobyerno.
Laganap na rin ang scamming gamit ang ayuda ayon sa senador kaya dapat na rin itong mahinto.
Sa tingin ni Ejercito, mas magandang mag-invest na lang sa imprastraktura at pagkakaloob ng maraming trabaho.
Si Sen. Joel Villanueva, sang-ayon sa mungkahing ito ni Ejercito.