SA pagbubukas ng taong 2023, unang biyahe ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. ang bansang China para sa kauna-unahang state visit nito.
Pero gaano nga ba kahalaga ito sa interes ng bansa?
Ayon kay Dr. Cecilio Pedro, vice president ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) na mahalaga at makasaysayan ang biyahe ni Pangulong Marcos sa bansang China na nakatakda ngayong Enero 3-5, 2023.
“This is probably the most important trip….is very important,” ayon kay Dr. Cecilio Pedro, Vice president, FFCCCII.
Dagdag ng bise presidente ng FFCCCII na maituturing na ‘getting to know stage’ sa pagitan ni Pangulong Marcos at Chinese President Xi Jinping bago pumasok sa mas malalim na diplomatic relations ang dalawang bansa.
“You know among Asians and more specifically among Chinese, relationship is far more important …so many things to China,” aniya pa.
Ito ang unang state visit ni Pangulong Marcos sa China bilang Punong Ehekutibo ng Pilipinas.
Ayon naman kay Political Analyst Prof. Anna Malindog-Uy, malaking pakinabang sa Pilipinas ang bansang China na siyang pangalawang pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo.
Ang patuloy na pagkakaroon ng magandang economic relations sa pagitan ng Pilipinas at China ay nangangahulugang mas maraming oportunidad para sa Pilipinas.
Lalo pa’t maraming mga Filipino-Chinese sa bansa na karamihan ay mga negosyante na aniya’y isang bentahe ng Pilipinas na dapat gamitin ng administrasyon upang mas mapalalim pa lalo ang relasyon sa China.
“China is very important…trading country in the world,” pahayag ni Prof. Anna Malindog-Uy, Political Analyst.
Una nang sinabi ng Department of Foreign Affairs na may sizeable business delegation ang makakasama ni Pangulong Marcos sa mga meeting nito sa business community sa China.
Kabilang si Dr. Pedro sa delegasyon ni Pangulong Marcos sa nakatakdang pagbisita nito sa China at naniniwala siyang mahalaga ang kanilang magiging papel at pakinabang sa mga business meetings.
“We would like to reaffirm our commitment to the Philippine government…to prosper,” ani Dr. Pedro.
Independent foreign policy ng Marcos admin, dapat ilatag sa state visit –Prof. Anna Malindog-Uy
Sa isyu naman ng South China Sea, naniniwala si Prof. Anna Malindog-Uy na dapat ay maging ‘pragmatic’ si Pangulong Marcos sa kaniyang pakikipag-usap kay Chinese President Xi Jinping.
“Ang maipapayo ko kay PBBM when he meet his counterpart…pragmatic way of approaching the problem,” ani Prof. Malindog-Uy.
Mahalagang mailatag ni Pangulong Marcos ang isinusulong nitong independent foreign policy na una nang ipinatupad ng sinundan nitong si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ayon kay Prof. Uy, kailangan makapagbigay ng assurance si Pangulong Marcos sa Chinese government na mas pinipili na nito ang bansang Amerika.
“And probably assure the president of China that we are not pivoting to China….independent foreign policy ng Pilipinas,” aniya.