NAGKABANGGAAN sa ere ang dalawang helicopter sa Gold Coast, Australia.
Sa ulat ng mga hindi pinangalanang opisyal, apat na indibidwal ang nasawi.
Tatlo naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Naniniwala ang mga nag-iimbestiga sa insidente na ang isa sa dalawang helicopter ay paalis pa lang at ang isa ay mag-landing na sana.
Nasa 6-8 linggo pa mailalabas ang preliminary report hinggil sa insidente.