Pagbubukas ng EDSA Busway na sumailalim sa emergency repairs, maayos na daloy ng trapiko ang dulot

Pagbubukas ng EDSA Busway na sumailalim sa emergency repairs, maayos na daloy ng trapiko ang dulot

BUKAS na ang ilang bahagi ng kahabaan ng EDSA Bus Carousel na unang isinara para sa emergency road repairs.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) acting Chairman Romando Artes, maaari nang daanan ang 16 na lugar ng EDSA Busway.

Dahil aniya dito, asahan ang maayos na daloy ng trapiko sa mga inayos na kalsada.

“Asahan po natin na ito po ay magdudulot ng magandang takbo ng traffic sa Bus Carousel. At siguro ito ang magiging template natin sa mga future pa na pagawain ng DPWH,” pahayag ni Atty. Romando Artes, Acting Chairman, MMDA.

Dagdag ni Artes na ahead of schedule ang pagtatapos ng mga pag-aayos ng mga nasabing kalsada.

May dalawang bahagi lang ng EDSA Busway ang ipinadagdag para sa emergency repair na matatagpuan sa northbound sa harap ng tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at sa may Muñoz sa Quezon City.

Inaasahan na mabubuksan ang mga nasabing kalsada ngayong Miyerkules, Agosto 8.

“Kung titingnan natin, ahead of schedule pa tayo dahil kung hindi natin pinayagan ‘yung dagdag pa na dalawang sites ay natapos na ng mas maaga, isang araw na advance na natapos,” dagdag ni Artes.

Pinasalamatan naman ni Artes ang DPWH sa magandang implementasyon ng road repairs at ang mga motorista sa pag-iwas sa mga nasabing kalsada na nagdulot ng magaan na daloy ng trapiko.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble