Pagbuo ng cybersecurity capacity, natalakay ng PH Supreme Court at South Korea

Pagbuo ng cybersecurity capacity, natalakay ng PH Supreme Court at South Korea

TINALAKAY ng ilang opisyal ng South Korea at ng Korte Suprema ng Pilipinas ang paggamit ng teknolohiya sa hudikatura na nakatuon sa pagbuo ng kapasidad ng cybersecurity at pagpapalitan ng mga pinakamahusay na kasanayan sa pamamahala ng sistema ng korte.

Naganap ito sa courtesy call ni Korean Ambassador-Designate to the Philippines His Excellency Lee Sang-Hwa kay Supreme Court Chief Justice Alexander Gesnundo para sa kolaborasyon ng Pilipinas at South Korea.

Pangunahing tinalakay sa pagbisita ng South Korean envoy ay ang potensiyal na pagtutulungan sa pagitan ng Pilipinas at ng South Korea ay patunay aniya ito na matibay ang pangako ng Philippine Judiciary na gamitin ang teknolohiya para sa pagsulong ng mga prosesong panghukuman sa bansa.

Kasama ni Ambassador Lee sina Secretary and Vice Consul of the Police Section Mr. Kim Myunghun, Secretary ng Economic Section, Ms. Lee Jeoung Bin, at Legal Advisor and Senior Researcher Atty. Ricardo Pamintuan mula sa Korean Embassy sa Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble