Mga residente ng Caloocan, hinimok na magpabakuna vs pertussis

Mga residente ng Caloocan, hinimok na magpabakuna vs pertussis

NANAWAGAN ang Caloocan City-LGU sa kanilang mga residente na magpabakuna laban sa pertussis o whooping cough na kumalat na sa iba’t ibang lalawigan sa bansa, kabilang na rito sa Metro Manila.

Ipinaliwanag ni Mayor Along Malapitan na hindi dapat mangamba o mag-alala ang mga magulang dahil matagal na aniyang pinag-aralan ng mga medical expert ang mga bakunang ito kaya nakatitiyak na epektibo ito para sa mga bata.

Kasabay rito, tiniyak ng alkalde na palaging nakatutok o nakaalerto ang LGU sa usaping pertussis pero hiniling ng opisyal sa mga mamamayan na alagaan ang pansariling kalusugan at ng buong pamilya hindi lamang sa pamamagitan ng pagpapabakuna dahil dapat aniyang kumain ng masustansiyang pagkain at maging malinis sa katawan pati sa kapaligiran.

Sa kasalukuyan ay nakapagtala na ang Caloocan City Health Department ng 12 kaso ng pertussis mula sa magkakaibang barangay na kanila nang tinutugunan para hindi na kumalat pa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble