PAGCOR, ‘di pinipigilan ang PNP at NBI na mag-inspeksyon sa POGO facilities

PAGCOR, ‘di pinipigilan ang PNP at NBI na mag-inspeksyon sa POGO facilities

MALAYANG makapagsagawa ng inspeksyon ang Philippine National Police (PNP) sa mga pasilidad ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), hindi nila ito pinipigilan.

Sagot ito ng PAGCOR kasunod sa pahayag ni Sen. Raffy Tulfo na may natanggap siyang ulat na hindi agad makakapagsagawa ng inspeksyon ang PNP maging ang National Bureau of Investigation (NBI) dahil umano pinagbabawalan nila.

Sinabi pa ni PAGCOR-Offshore Gaming and Licensing Department Head Atty. Victor Padilla Jr., may mutual cooperation agreement ito sa pagitan ng PNP, NBI, Bureau of Immigration, Department of Labor and Employment at maging sa Department of Justice na magtutulungan sila para maayos ang operasyon ng POGO.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI NEWS in Tiktok

Follow SMNI NEWS in Instagram