Police visibility, paiigtingin ng PNP at AFP ngayong ‘ber’ months

Police visibility, paiigtingin ng PNP at AFP ngayong ‘ber’ months

PALALAKASIN ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagbibigay ng seguridad sa publiko ngayong ‘ber’ months.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na kinausap niya si AFP chief of staff Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro upang magkaroon ng augmentation force ang kanilang hanay sa PNP.

Partikular na babantayan ng mga awtoridad ang National Capital Region (NCR), Central Luzon, Calabarzon, Cebu City, Davao City, at Baguio City.

Ayon kay Azurin, “buddy system” ang deployment kung saan magkatuwang ang pulis at sundalo sa pagpapatrolya sa mga pampublikong lugar.

Inaasahan na bago mag-Undas ay masisimulan ang nasabing deployment ng mga awtoridad.

 

Follow SMNI News on Twitter