OPISYAL nang sinimulan, araw ng Lunes Nobyembre 27, 2023, ang isang buwan na selebrasyon ng ika-88 anibersaryo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may tema ng selebrasyon ay “Rising over the challenges in service to the nation”.
Ang kick-off ceremony ay dinaluhan ng iba’t ibang opisyal ng AFP at ilang mga ambassador at defense attaches mula sa ibang bansa.
Naging pangunahing pandangal si Department of Defense (DND) Sec. Gilbert Teodoro.
Sa talumpati ng kalihim, sinabi nito na bilang pinuno ng DND ay patuloy nitong pagtutuunan ng pansin ang pagbuo ng defense architecture.
Layon aniya nitong upang maprotektahan ang soberanya ng Pilipinas sa kabila ng kinakaharap na pagsubok ng bansa.
“Our job for me as Defense Secretary is to create a defense architecture which as much possible is threat agnostic of course we have to deal with current problems and we are doing so,” ayon kay Sec. Gilbert Teodoro, DND.
Kaugnay rito, ang naturang anibersaryo ay inumpisahan sa pamamagitan ng isang forum na pinamagatang Talakayang Mabini 2023 na kung saan tinalakay ang kasaysayan at kasalukuyang sitwasyon sa South China Sea.
Para naman kay AFP chief of staff Gen. Romeo Brawner, Jr. naging makabuluhan ang pagtalakay sa issue sa pinag-aagawang teritoryo.
Malaking bagay aniya ang naibahaging impormasyon mula sa nasabing forum dahil dito ay mas palalakasin pa ng AFP ang kanilang strategic planning at decision making process sa pagkamit at pagpapanatili ng kapayapaan sa West Philippine Sea (WPS).
“Today we stand united and inspired by the tremendous progress made during our fruitful and dynamic discussion on the security challenges in the West Philippine Sea.”
“The insight and knowledge gained in this forum hold immense value to our future endeavors informed by the experts shared here today we will strengthen our strategic planning and decision making processes,” ayon kay Gen. Romeo Brawner, Jr., Chief of Staff, AFP.
Ang Talakayang Mabini 2023 ay bahagi lamang ng isang buwan na selebrasyon ng AFP at ito ay susundan pa ng iba’t ibang aktibidad na magtatapos hanggang Disyembre 21, 2023.