Paggamit ng nuclear energy, pag-aaralan ng DOE

Paggamit ng nuclear energy, pag-aaralan ng DOE

PAG-aaralan na ng Department of Energy (DOE) ang paggamit ng nuclear energy bilang tugon sa kakulangan ng power supply ng bansa.

Sa katunayan ay bubuo na sila ng special task force para dito.

Sinabi ni DOE Usec. Alessandro Sales, malaki ang maitutulong sa bansa dahil isa ito sa ‘reliable’ na renewable energy source.

Kaugnay rito, panahon na para bumuo ang Pilipinas ng regulatory framework para sa paggamit ng nuclear energy, lalo na maaaring gamitin na ito ng bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter