Paggamit ng TweetDeck, kailangan maging verified ang account

Paggamit ng TweetDeck, kailangan maging verified ang account

INANUNSIYO ng Twitter na kailangan maging verified ang account ng isang indibidwal o organization upang maka-access sa TweetDeck.

Ang pahayag na ito ng social media app na nakabase sa San Francisco, California ay kasunod ng pagbaba ng revenue ng nasabing social media platform.

Kung kaya’t nagpagdesisyonan ng owner at CEO nito na si Elon Musk na maliban sa paglimita sa daily Tweet ng isang indibidwal magkakaroon din ng bayad ang iba nitong features.

Sa ngayon, kinakailangan ng magbayad ng $8 per month ang isang indibidwal na gustong magkaroong ng verified account at $1,000 naman para sa mga organisasyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter