MAKALIPAS ang tatlong taong pahinga dahil sa pandemya, muling idinaos ng konsulada ng Pilipinas sa Hong Kong, ang ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng bansang Pilipinas.
Ito ay kasabay ng paggunita sa lahat ng mga bayani na nagbuwis ng kanilang buhay para makamtan ang tunay na kalayaan ng ating bayan.
Makulay na parada ang pambungad sa ika-125 taon paggunita at selebrasyon ng kalayaan ng Pilipinas na ginanap sa Hong Kong.
Sa pangunguna ng mga grupo ng manggagawa mula sa kunsolado ng Pilipinas ng Hong Kong kasama ang consul general ng Pilipinas sa lungsod na si Mr. Rally Tejada.
Sa kaniyang mensahe nagpaabot ng pasasalamat at paalala ang consul general sa lahat ng nakiisa.
“Nagpapasalamat po ako sa inyo lahat, talaga po namang kayo ang reason that is why the Filipinos in Hong Kong is united and happy as we are,” pahayag ni Consul General Rally Tejada.
“At sa inyong pagmamahal sa inyong bayan number one po iyon, mahalin po natin ang ating bayan sapagkat doon po tayo bubuoin sa ating pamilya at ating lupang hinirang. Maraming salamat po and happy Independence Day, Mabuhay Pilipinas,” dagdag ni Tejada.
Naging makulay ang buong parada dahil sa matitingkad na kasuotan ng lahat ng mga nakilahok sa programa na binuo ng iba’t ibang grupo ng mga OFW mula sa tatlong major island ng Pilipinas sa Luzon, Visayas, Mindanao na isa-isang nagpresenta ng mga katutubong sayaw.
Marami sa mga sponsors ang nagbahagi ng kanilang suporta sa naturang programa at masayang nagbigay ng libreng serbisyo para ating mga kababayan, isa na dito si Dr. Janete Gumboc ng Luxicare Dental Medical Center.
“Ngayong araw po, kami po ay masayang naimbitahan dito sa 125th Independence Day dito sa Hong Kong at ngyong araw po kami po ay magbibigay ng libreng serbisyong dental dito sa Hong Kong kasi po karamihan ng tao ay hindi masyado nakakapagsalita ng Cantonese at naghanap talaga ng gawa at touch ng Pilipino. Kami po ay nagbibigay ng libreng gamo,t libreng serbisyo para ating mga kababayan,” ayon kay Dr. Janete Gumboc ng Luxicare Dental Medical Center.
“Nagpapasalamat po kami dahil muli, thank you po,” aniya pa.
Nagbahagi rin ng pasasalamat ang isa sa lider ng Filipino community ng Hong Kong na si Mr. Bryan Calagui sa lahat ng mga oraganisasyon na nakilahok sa programa.
“Maraming salamat po sa lahat ng organisasyon……maraming salamt po,” Mr. Bryan Calagui, Filipino Community, Leader.
Nakapukaw ng interes ng mga mga manonood ang napakagandang marching band formation na prinesenta ng grupo ng mga pulisya sa Hong Kong na masayang nakisali sa programa.
Matiwasay at matagumpay na natapos ang programa at lubos ang pasasalamat naman ng ating mga kababayang OFW dahil kahit malayo sila sa ating bayan ay naramdaman nila ang pagkakaisa sa pagdiriwang kalayaan ng ating bansa.