Paghahakot ng mga tao sa rally ni BBM sa Nueva Ecija, fake news ayon kay Atty. Rodriguez

Paghahakot ng mga tao sa rally ni BBM sa Nueva Ecija, fake news ayon kay Atty. Rodriguez

ISANG malaking fake news ang kumakalat na naghahakot at nagbabayad ng tao ang kampo ni presidential Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos sa mga campaign rally sa Nueva Ecija.

Ito ang tahasang sinabi ni BBM spokesperson Atty. Vic Rodriguez sa panayam ng SMNI News.

“Unang-una laganap ‘yung fake news at fake items na pinalalabas ng aming mga katunggali subalit kung napapansin po niyo hindi namin sila pinapansin po, patuloy lang kami sa aming mabubuting gawain,” ayon kay Atty. Rodriguez.

Aniya, walang dapat patunayan ang kampo ni BBM hinggil sa isyu ng pagbabayad ng mga tao sa Nueva Ecija.

Dagdag pa ni Rodriguez, dapat ang mga tao na nakuhaan ng larawan na tumatanggap ng pera ang tanungin kung totoo ba ito.

Binigyang linaw naman ni Atty. Vic na may nakatakdang campaign rally ang kampo ni BBM ngayong March 19 kung kaya’t hindi ito makakadalo sa debate na inorganisa ng COMELEC.

Saad pa ni Rodriguez, mas mainam sa kampo ni BBM at kay vice presidential candidate Mayor Inday Sara Duterte na direktang makipag-usap sa mga tao sa pamamagitan ng mga rally.

Follow SMNI NEWS in Twitter