Pagiging miyembro sa isang kooperatiba, hindi pahirapan—Pasang Masda

Pagiging miyembro sa isang kooperatiba, hindi pahirapan—Pasang Masda

WALANG katotohanan ang sinasabi ng ilang transport group na pahirapan ang pagkuha o pagpapa-miyembro sa isang kooperatiba.

Sa panayam ng SMNI News, sinabi ni Pasang Masda President Obet Martin na ang nagsasabi nito ay tanging mga indibidwal na hindi ito inuunawa.

Matatandaang inilipat na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa December 31, 2023 ang deadline ng operasyon ng mga tradisyunal na jeep na unang naka-schedule sa June 30.

Ito’y para mabigyan ng sapat na panahon ang mga tsuper na maging kasapi sa mga kooperatiba.

Hinggil naman sa panibagong disenyo ng jeep bilang tugon sa PUV Modernization Program, iminumungkahi ni Martin ang kanilang ginagamit na uri.

Ito ang gawa ng isang local manufacturer na bagama’t upgraded ang features, may itsurang tradisyunal jeepney pa rin ito.

Mas mura din ang presyo ng kanilang ginagamit.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter