Pagkadismaya ng mga retiradong heneral laban sa gobyerno, hindi na bago— PNP chief

Pagkadismaya ng mga retiradong heneral laban sa gobyerno, hindi na bago— PNP chief

NANINIWALA si Philippine National Police (PNP) chief Police General Benjamin Acorda, Jr. na hindi na bago sa kasaysayan ng organisasyon na may mga dismayadong opisyal sa pamamalakad sa isang bansa.

Ani General Acorda, karapatan naman ng sinuman ang magpahayag ng kanilang saloobin at hindi niya ito pipigilan.

“It’s expected some frustrations on their part. Kung ano ‘yung hinanaing nung bawat isa, they have the rights naman,” saad pa ni Gen. Acorda.

Pero giit ng heneral, bilang pinuno ng pambansang pulisya, hindi niya hahayaan na may isa silang kasamahan na may tanim na galit sa gobyerno sa kabila ng mga pribelihiyong tinatanggap mula sa pamahalaan.

Kaya naman sinisikap aniya nila na ibigay ang pangangailangan ng mga ito na hindi naikokompromiso ang kaligtasan at seguridad ng komunidad.

Nauna nang nilinaw ni PNP chief General Acorda na buo ang kanilang suporta kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at sa Konstitusyon kung kaya’t patuloy nilang kinokondena ang mga nais na pabagsakin ito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter