China, magkakaroon ng moon mission ngayong taon

China, magkakaroon ng moon mission ngayong taon

DUMATING na sa Wenchang launch site sa Southern China ang pinakabagong lunar explorer ng nabanggit na bansa.

Bilang paghahanda ito para sa gagawin nilang moon mission sa unang bahagi ng taong 2024.

Ayon sa China National Space Administration, target nila ang makadala ng samples mula sa ibang bahagi ng buwan pabalik sa mundo.

Sa kasaysayan, ang mga bansa pa lamang tulad ng Estados Unidos, Russia, China, at India ang nakapagsagawa ng moon missions.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble