Pagkakaisa ng kasundaluhan at 1 unibersidad sa Quezon, mas pinaigting

Pagkakaisa ng kasundaluhan at 1 unibersidad sa Quezon, mas pinaigting

MAS pinaigting ang pagkakaisa ng kasundaluhan at isang unibersidad sa Quezon.

Isinagawa kahapon ang isang ceremonial signing ng Memorandum of Partnership Agreement (MoPA) sa pagitan ng Polytechnic University of the Philippines-Mulanay at 85th Infantry Battalion sa pamumuno ni Battalion Commander Lieutenant Colonel Joel R. Jonson.

Ang nasabing ceremonial signing ay ginawa sa himpilan ng 201st Infantry Brigade, Brgy. Rizal Ilaya, Calauag, Quezon.

Ang nasabing kasunduan ay hinggil sa Mental Health Awareness Program na ginagawa ng pamunuan ng PUP-Mulanay na naglalayong mabantayan at mapangalagaan ang kaisipan ng bawat sundalo.

Bukod nito ay tutulong din ang mga sundalo sa mga Subject Matter Expert na magtuturo sa mga mag-aaral na kasalukuyang kadete ng ROTC sa nasabing pamantasan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble