IPINAGMALAKI ng Commission on Elections (COMELEC) ang bentahe ng itatayong COMELEC Main Office Building Complex na itatayo sa Central Business Park 1 Island A, sa Pasay City.
Sinabi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na napakaganda ng lokasyon ng magiging bagong COMELEC office na malapit sa simbahan, sa airport, sa pier at sa dating Heritage Hotel.
Sinabi rin ni Garcia na sa itatayong gusali ay maaari nang magkasama-sama ang iba’t ibang tanggapan ng komisyon na nasa magkakalayong lugar gaya ng mga warehouse nito sa Quezon City, Laguna at Pasig City.
Napakalaki rin aniya ang matitipid ng COMELEC dahil sa mahabang panahon ay nagrerenta lamang sila ng mga opisina sa Palacio del Gobernador sa Intramuros Manila na umaabot sa P159-M kada taon.