POSITIBO sa bansa ang magiging epekto ng pagpanaw ni Joma Sison.
Sa panayam ng SMNI News kay Atty. Larry Gadon, sinabi niya na sa matagal na panahon ay ginugulo ni Sison ang Pilipinas na siyang dahilan para maantala ang pag-unlad nito at ngayong pumanaw na ito, wala nang hahadlang pa.
Magiging umpisa na rin ang pagkamatay ni Sison sa pagbagsak ng CPP-NPA-NDF.
Naniniwala naman si Gadon na laos na ang teroristang grupong ito at tanging ang nagpapasikat na lang sa kanila ay ang kanilang party-lists at iba pang grupo at nasa gobyerno bilang front organizations.