PINAGHAHANDAAN na ng Department of Agriculture (DA) ang posibleng paglaganap muli ng African Swine Fever (ASF) ngayong tag-ulan.
Ito’y dahil maaaring magsilbing tagapagdala ng virus ang tubig lalo na sa kaso ng ASF.
Kung matatandaan noong ikatlong quarter ng taong 2024, naitala ang paglaganap muli ng ASF.
Partikular na sa Lobo, Lian, Rosario, Calatagan, at Lipa City sa Batangas.
Sa kabila nito ay sinabi ng DA na nagpapatuloy ang vaccination program ng gobyerno gamit ang AVAC line vaccines ng Vietnam.
Sa update nitong Mayo 23, 2025, nasa 45 na lang na mga barangay ang may aktibong kaso ng ASF.
Kumpara ito sa 67 barangay noong Mayo 9.