Paglagda ni PBBM sa SIM Card Registration Act, hinangaan ng  grupo ng mga magulang kontra CPP-NPA-NDF

Paglagda ni PBBM sa SIM Card Registration Act, hinangaan ng grupo ng mga magulang kontra CPP-NPA-NDF

HINANGAAN ng isang anti-communist group si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kasunod ng pagsasabatas ng SIM Card Registration Act.

Itinuring ng grupong Yakap ng Magulang na action man si Pangulong Marcos at isa na dito ang pagsasabatas sa SIM Card Registration Act.

Sa panayam ng SMNI News kay Yakap ng Magulang President Relissa Lucena, sinabi nitong kung tutuusin na tahimik lang si Pangulong Marcos sa usapin sa laban kontra Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ay may mga hakbang na ginagawa ito.

“‘Yung resulta at ‘yun ‘yung makikita mo, makikita mo ‘yung satisfaction ng tao. Kasi ito na ‘yung resulta na hindi ito pangpropaganda si PBBM nandoon siya sa, actually, siya si action man eh, makikita mo talaga na may nangyayari,” pahayag ni Lucena.

Ani Lucena, malaking bagay ang pagsasabatas sa SIM Card Registration Act o Republic Act 11934 sa seguridad ng bansa partikular na sa kanilang mga anak laban sa mga sindikato, kriminal, at mga terorista.

“Napakagandang ano nito, magkaroon talaga ng ano, na maa-identify kung sino ‘yung gumagamit ng SIM card, kasi ‘yung SIM card, ito rin ang ginagamit ng mga terrorist diba na pampasabog at the same time, ‘yung sa CPP-NPA sa extortion nila gumagamit rin sila ng SIM card,” ayon kay Lucena.

“Napakaganda ng batas na ito at talagang masi-secured unang-una ‘yung mga kabataan at higit sa lahat ‘yung community natin at saka pang nasyonal na rin, dahil magiging safe ‘yung bawat Pilipino,” dagdag pa nito.

Kaugnay nito, dinepensahan din ng Yakap ng Magulang si Pangulong Marcos sa mga paratang at akusasyon na wala itong ginagawa at malambot ito sa peace and order situation ng bansa.

Ayon sa grupo, hindi ito totoo dahil sa ilalim ng pagsasabatas sa SIM Card Registration Act, inaasahang makatutulong ito para protektahan ang publiko laban sa mga scammer, spammer at maging mga komunistang teroristang grupo.

“Hindi lang nagpapakita ng galit in front of media si PBBM pero malalim siya actually. Kapag tiningnan mo ‘yung mga decision-making niya, talagang mayroon direksiyon eh, at makikita mo pang-maramihan ang magbe-benefits sa mga desisyon niya. Katulad nito, ‘yung sa SIM Card, hindi naman natapos ‘yung laban natin sa criminality sa communist. Akala lang kasi nitong mga CPP-NPA-NDF hindi kasi loud or hindi nagsasalita in front of media si PBBM kasi hindi naman niya kailangang gawin ‘yan eh, kumbaga, pero ‘yung accomplishment niya napakaganda kasi ang kailangan natin dito ‘yung resulta,” dagdag ni Lucena.

Follow SMNI NEWS in Twitter