WELCOME development sa lider ng Kamara ang paglayo sa Maharlika Investment Fund (MIF) sa pamumulitika.
Pinuri ni Speaker Martin Romualdez ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na ilayo sa pamumulitika ang MIF.
Ayon kay Pangulong Marcos, tinanggihan nito ang panukala na siya o ang finance secretary ang mamuno sa MIF.
Iginiit nito na ang MIF ay dapat patakbuhin ng competent at independent financial managers.
Dahil dito, kumpiyansa si Speaker Romualdez na makatutulong ang hakbang na ito ng Pangulo sa ikatatagumpay ng kauna-unahang sovereign wealth fund ng bansa.
“President Marcos demand for MIF investment decisions and management to be predicated solely on sound financial and business practices,” saad ni Speaker Romualdez.
Sa ilalim ng RA 11954 (Act establishing the MIF) na nilagdaan ng Pangulo noong Martes, magsisilbi lamang na ex-officio chairperson ang kalihim ng Department of Finance (DOF).
Bagkus, ang nine-member ng Maharlika Investment Council (MIC) ang mangangasiwa sa pondo na pangungunahan ng isang independent director.
Sinabi ni Speaker Romualdez na sa kaniyang pakikipagpulong kay Singaporean Ambassador Constance See, sinabi ng foreign envoy na ang maayos na pamamahala sa sovereign funds ay magreresulta sa pag-unlad ng ekonomiya, mas mataas na kita at dagdag na savings ng bansa.