POSIBLENG mag-shift sa modular distance learning ang klase ng mga estudyante dahil sa matinding init at pagkawala ng kuryente.
Batay sa isang memo na inilabas ng Department of Education (DepEd), muli nitong pinaalalahanan ang mga school heads sa kapangyarihan nilang magkansela ng face-to-face classes at ipatupad ang distance learning dahil sa matinding panahon.
Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, ang mga school heads ang nakakaalam sa araw -araw na sitwasyon, kaya nasa kanilang pagpapasya kung kinakailangan na silang limipat sa distance learning.
Ayaw rin aniya ng kagawaran na makaapekto sa kalusugan ng mga mag-aaral ang matinding init ng panahon.