Pagluwag sa campaign rules, asahan – COMELEC

Pagluwag sa campaign rules, asahan – COMELEC

BUKAS na ngayon ang Commission on Elections (COMELEC) na amyendahan ang mga naunang mahigpit na panuntunan na kanilang inilatag sa pangangampanya.

Aminado ang COMELEC na mukhang hindi na akma ang kanilang paghihigpit lalo na’t marami na sa mga lugar sa bansa ang nasa ilalim ng Alert Level 1 at bumababa rin ang COVID-19 cases.

’There was a proposal by newly appointed commissioner George Garcia for a revisit of the resolution- resolution 10732 and it was approved po. So because of that, you can expect some changes possibly,’ pahayag ni Dir. Elaiza David, COMELEC Education and Information Department.

Diin din ng poll body, buong resolusyon ang pag-aaralang baguhin at hindi lang specific provisions.

Matatandaang maraming kandidato ang nanibago sa new normal ng  pangangampanya na mahigpit na ipinatutupad ng COMELEC para sa halalan 2022.

Sa inilabas na Resolution 10732 ng poll body, kabilang sa ipinagbabawal ang pagseselfie, pagpasok ng mga kandidato sa bahay-bahay at anumang klaseng physical contact sa mga botante kagaya ng pakikipag kamay.

At bago payagan ang isang aktibidad, obligadong kumuha ng permit ang organizer sa regional offices ng COMELEC.

Ngunit sa kabila ng paghihigpit, hindi nasusunod ang mga nasabing panuntunan sa takbo ng kampanya.

Follow SMNI NEWS in Twitter