SA panayam ng SMNI News ay inihayag ng anti-election fraud advocate na si Atty. Glenn Chong ang pinangangambahan nilang malawakang pagpalya ng vote counting machines.
Kilala sa tawag na VCMs o dati PCOS machines ang mga makinang gagamitin ng Pilipinas para sa 2022 automated elections.
Smartmatic ang provider nito na nagamit na sa mga nagdaan nating eleksyon.
‘We expect that yung 3,600 na nasira noong 2019 will grow 10 times to around 33,000 kasi gamit na gamit na yan eh pangatlong gamit na to eh ang history is dalawang gamit lang wala na. Pina-park na nila hindi na nila ginagamit,’ pahayag ni Atty. Glenn Chong.
At kung pumalya man ang mga makina sa mismong election day, may payo si Chong sa ating mga botante.
‘Pag nasira po yung makina at yung SD card huwag po kayong pumayag na itigil yung botohan. Ang rules says na patuloy ang botohan ilalagak yung inyong balota dito sa gilid ni teacher bantayan po ninyo baka masalisihan ng wholesale yung mga boto niyo nawala napalitan and then pagdating ng replacement that’s the only time ifi-feed ng mga teachers,’ ani Chong.
At para mapanitili ang malinis na eleksyon, may payo rin si Chong sa mga election watcher.
Lalo na kung papalitan ang mga nasirang SD cards na siyang nagpapatakbo sa mga VCM.
Aniya, bukod sa election precinct ay dapat may nagbabantay din sa mga regional hub ng Commission on Elections (COMELEC) para tutukan ang transparency sa mga SD card.
‘Pag kinuha nila yung SD card kunin ninyo yung serial number. Ibato n’yo doon para sa inyo doon sa hub dapat meron kayong tao doon for the watchers. For political candidates I’m sharing this to you kung may bantay ka sa presinto may bantay ka rin sa hub. Kung anong serial number ang tinanggal nila ibato niyo yan doon sa inyong bantay sa hub para makita nila na yung tinanggal sa presinto yun din ang ni-reload uli, binago inayos, kinumpuni at yun din ang ibabalik doon sa kanila. Kasi remember, the SD card is the brain of the VCM, it is the functional ballot box,’ payo ni Chong.