BBM, hindi dadalo sa presidential debate na inorganisa ng COMELEC

BBM, hindi dadalo sa presidential debate na inorganisa ng COMELEC

HINDI dadalo si presidential candidate at dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos sa presidential debate na inorganisa ng Commission on Elections (COMELEC) sa Sabado, Marso 19.

Pormal na itong kinumpirma ng tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez.

Ayon kay Rodriguez, mas gugustuhin nilang mangampanya sa mga tao sa petsang itinakda para sa debate.

Dagdag pa nito, ipagpapatuloy ng kampo ni Marcos ang kanilang ginustong paraan na direktang komunikasyon at ‘face to face interaction’ sa publiko.

Matatandaang hindi rin dumalo si BBM sa mga debate at presidential forums ng GMA News, Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) at CNN Philippines.

Follow SMNI NEWS in Twitter